 |
Friday, June 22, 2007
when i bid blogdrive goodbye
i am moving to another blog provider
check me out here:
wanderingcommuter.blogspot.com
Posted at 12:42 pm by pulangchico
Permalink
Sunday, May 13, 2007
maikling kwento parte uno
Naalala ko nung unang sinabi mo sa akin na takot lang kasi ako sa pagbabago kahit alam naman ng lahat at sa sarili ko na makakaya ko anuman ang mangyari. Lubhang nabigla ako sa sinabi mo matapos ang isang mahabang katahimikan habang kumakain tayo sa paborito nating kainan. Binanggit mo ito ng biglaan at hindi ko inaasahan. Natatandaan ko pa kung paano nagmadaling umakyat ang dugo sa ulo ko dahil sa mga katagang sinabi mo. At kung papaano nawala ang aking diwa matapos mo'ng sabihin yun. Nablangko ako, ika nga nila. Bagamat nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon ang bigat ng mga naghahabulang yabag sa dibdib ko at ang pakiramdam ng sandaling nawalan ng hininga, hindi ko maiwasang makaramdam ng takot sa hindi maipaliwanag na dahilan. *** Sinabi ko sa iyo noon habang nakadungaw tayo sa bintana at marahan pa ang bagyong parating na ayoko ng umuulan dahil nalulungkot ako kapag nakikita ko ang walang tigil na pagbuhos nito. Inabangan ko ang sasabihin mo subalit hindi ka umimik at pinako mo lamang ang iyong sarili sa pagtitig sa labas. Muli ko'ng binalik ang sarili sa muling pagdamdam sa mabibigat na patak ng ulan: nang bigla ko'ng naramdaman ang bahagyang paghigpit ng hawak mo sa aking kamay. Mula noon, naging maliwanag at makulay na ang bawat pag-ulan at bagyong dumating. *** Nang matapos ang tag ulan sa taong yun, niyaya mo ako sa probinsiya niyo. Dinala mo ako sa pampang na madalas mo'ng puntahan nuong bata ka. Tinawid natin ang mga naglalakihang bato sa dulo ng mahaba at nakakapasong pampang, isang bagay na hindi ko malilimutan. Habang naglalakad tanging mga alaala ang naging bukambibig mo sa akin. Doon ko napagtanto na doon ka lamang nagsimulang magpakilala sa akin. Nang marating natin ang batuhan, dagli ako'ng nakaramdam ng takot dahil sa tulis at dulas ng mga batong aking inaapakan. Subalit pinilit ko'ng maging matapang at itinago iyon sa iyo. Ayokong biguin ang pananabik na ngayon ko lang nakita sa mga ngiti mo: ayokong isipin mo'ng mahina ako. Pagdating sa gitna ng batuhan, tumigil ako sandali nagpahinga't pinagmasdan ka. Nabigla ako sa maliksing at walang takot na pagtawid mo sa mga naglalakihang batong linalatigo ng mga lampas-taong alon, animo'y naglalaro ka lang. Duon ko napagtanto, ngayon ko lamang nakita ang parteng "bata" sa personalidad mo:napakainosente ngunit napakatapang na bata. Nakakagulat isipin na kabisado mo pa rin ang mga batong aapakan mo gayong sabi mo halos limang taon ka ng hindi umuuwi dito. Ganun nga talaga siguro kapag importante sa iyo ang isang bagay, hindi madaling malimutan. Sa kanlungan ng iyong kamusmusan, napansin ko na nag-iba ang asal ng dagat sa dakong ito ng isla. Payapa at halos hindi gumagalaw ang mga alon. At tulad nito, napansin ko rin ang biglaang pagbabago mo. Agad ka'ng tumakbo't umupo sa lilim ng isa sa iilang mga puno sa pampang pero hindi mo naman nalimutan itanang ang kamay ko. Pagkaupo, taimtim mo'ng tinanaw ang walang katapusang kalatagan ng kulay asul na karagatan. Tuluyang nawala ang makulit na bata at nangulila ako sandali. Hanggang ang lahat ay unti-unting naging payapa at malalim para sa iyo. Muli, tulad ng napakaraming sandali, hindi ko naiwasang malunod sa kapayapaan ng pagkatao mo. *** Umaga na ng maisipan nating umuwi. Inabutan na ng pagputok ng araw ang pagkakadantay ng aking ulo sa dibdib mo. Buong magdamag, tulad ng inaasahan walang nagtangkang umimik sa pagitan nating dalawa. Ito na marahil ang pinakapayapang gabi ng aking buhay at palagay ko hindi na muli ito mauulit kahit kailan. Sa mga sandaling yun, tanging pagtibok ng puso mo ang narinig ko at kahit saglit hindi nangalay ang tenga ko sa pagkabisado sa ritmo ng pagtibok nito. Taimtim ko itong pinakinggan at ginalugad; umaasang kahit minsan maibulong nito ang pangalan ko. Buong gabi kong pinilit ang sariling gising kahit na nakakahalina ang paghele ng iyong marahang hilik. Subalit nadaig ng aking pananabik ang antok na gabi-gabi akong binabalikan. Hanggang sa ang lahat sa iyo'y unti-unting naging monotono't panatag at ang lahat sa akin ay unti-unting nagbabago. Napangiti ako sa yugtong iyon ng ating pagniniig, dahil sa realisasyong walang pangakong sinambit ang pintig ng iyong dibdib. Kundi ito ay nagwika lamang ng mga salitang hindi nanambit. Kungsaan, tayo ay iinog hindi sa anumang sumpa o pangako kundi sa pag agos na kapwa nating linikha't lilikhain. Doon ko naisip wala nga marahil talagang tinatawag na tadhana at tayong lahat ay hindi tinadhana para sa bawat isa. Nalungkot ako sandali subalit tinanggap ko na rin naman ang posibilidad na mawawala ka rin sa akin balangaraw. Ito ay dahil sa simpleng kadahilanang ito ang batas at katangian ng buhay. Napangiti na lamang ako sa mga naiisip ko, parang hindi ako ang nagsasalita nung sandaling yun. Bigla ko'ng naramdaman ang marahang paggalaw ng mga alon: tumataas na ang agos ng dagat. *** Nang pauwi na tayo, iba ang daang tinahak natin. Inaasahan ko pa man din na babalik tayo sa mga malalaking bato sa dulo ng pampang. Nagbabakasakali kasi akong kabisado ko na rin ang mga batong ligtas apakan at mayayakap ko rin ang mga naglalakihang alon sa gitna ng batuhan tulad ng ginagawa mo. Gusto kong lang makita mo ito. Sa isang malawak na parang tayo dumaan. Nalula ako sa nagtataasang talahib na ngayon ko lamang nakita sa buong buhay ko habang dinidilaan ako ng basang hamog ng iba't-ibang uri ng mga halaman. Napansin ko rin na nag-iba muli ang samyo ng hangin sa parteng ito. Naisip ko tuloy na parang nalibot na natin ang buong mundo sa paglalakad na ito. Habang hinahawi mo ang mga nagtataasang talahib upang makagaw ka ng madadaanan biglang nagtanong ka sa akin. Tinanong mo kung, ano ang pinakatatakutang bagay ko? Bigla akong nahinto at napaisip gayong alam ko rin naman ang sagot ko sa mga ganitong tanong. Sinabi ko sa iyo na natatakot akong dumating ang araw na makikita ko ang sarili ko na mag-isang nakaupo sa upuan habang nakatingin sa bintana at hinihintay ang paglubog ng aking araw. Bigla mo akong lumingon habang patuloy ka sa paghawi ng mga talahib. Napatingin rin ako sa iyo at nakaramdam ako ng kurot sa aking dibdib sa tingin na binaling mo sa akin. Matapos ang ilang saglit ngumiti ka at binalik ang paghawi sa mga nakakasugat na talahib. Natatandaan ko pa ang mga katagang iyon, sinabi mo, lahat naman tayo sa loob ng ating mga sarili, alam natin ito ang ating pinakakatakutan ---ang mag-isa. Turing mo pa, anuman ang susunod dito ay superpisyal na lamang dahil inebitableng ang lahat ay mawawala lalo na sa tulad natin na tinuturing na di tanggap. Tulad nga ng sinasabi ng karamihan lalo na sa relasyong gaya ng sa atin, ito ay temporaryo lamang at hindi nagtatagal. May posibilidad na sa kalauna'y hindi pa rin pala tayo ang para sa isa't isa. Matagal ko ng tinanggap yun at sana matutunan mo rin. Ako naman ang hindi umimik sa sandaling yun. Hindi ko mawari kung paano ang isang napakapayak na kataga ay hindi ko magawa na lubusang maintindihan. Gusto ko'ng sabihin lahat ito sa iyo. Lahat ng pananaw, katanungan at paniniwala ko. Nais ko'ng sabihin na natanggap ko na ang posibilidad na sinasabi mo, sa tulong mo na rin. Subalit ang mas nagpapaligalig sa akin ay ang mga katagang inutal mo bago ito. Kung bakit na tinuturing tayong di tanggap? Kung paano ang mga ganitong uri ng relasyon na tulad ng sa atin ay temporaryo lamang at hindi nagtatagal? Na kung tutuusin, lahat naman ng relasyon ay hindi kailanman nangako ng tagal o panahon. Ang lahat ay nakadepende sa magkarelasyong nagdadala nito. At kung bakit napakadali sa iyong tanggapin na lang lahat ang mga bagay na ito? Marahil nga hindi pa ako handang maunawaan ang mga sagot sa mga katanungang ito. Dahil isa lamang ang natitiyak ko, chummy man, pero yun ay ang mahal na mahal kita. *** Hindi ko na matandaan ang eksaktong pangyayari kung paano tayo nagkakilala. Basta ang natatandaan ko, kolehiyo ako nuon at pinakilala ka sa akin ng isang kaibigan. Mula noon madalas na tayong magkita. Tahimik ka na noon, laging malalim ang iniisip at parang wala sa sarili. Sa simula inaamin ko naweirduhan din ako sa iyo at hindi ko rin masisisi ang iba kung yun din ang impresyon nila. Subalit maliban dito, wala na akong pwedeng mapintas pa sa iyo. Ikaw na marahil ang tanging nakilala ko na taimtim na nakinig sa mga salitang lumabas sa bibig ko, problema man o simpleng kwento. Ni minsan hindi ko naalalang sumabat ka sa tuwing nagsasalita ako na malimit gawin ng mga nakakusap ko. Lagi ka lamang bukas na nakikinig at pagkatapos ay saka ka magsasalita. Pagdating naman sa mga pananaw at opinyon, hindi ka rin naman nagpapahuli. Kadalasan pa nga, nararamdaman ko ang bobo-bobo ko kapag kausap kita. Subalit ayaw na ayaw mo'ng maramdaman ko ito. Mula sa mga pananaw mo natutunan ko'ng hanapin ang sarili ko'ng daloy ng pag-iisip. Naintindihan ko ang maraming bagay at napaliwanag ko ang maraming pangyayari dahil na rin sa madalas na usapan natin. Hindi ko man alam ang lahat, gaya nga ng sinabi mo na wala naman pwedeng makaalam ng lahat, hanggat may pananaw ako'ng panghahawakan at paninindigan, tama o mali man ito sa iba, sapat na iyon. Hindi yung nakikiaangkas ka lamang sa kuro kuro ng kesehodang pilosopo diyan sa tabi-tabi. Naalala ko, madalas pa nga tayong inaabot ng madaling araw sa pagdedebate ukol sa iba't ibang bagay. Kadalasan mula sa usapin ng buhay, lipunan, rebolusyon hanggang sa mga interpretasyon ng mga napanuod na pelikula, palabas, librong nabasa, at mga debuho o likhang sining na nasaksihan. Karamihan pa nga sa mga diskursong ito ay kadalasang nauuwi sa mainit na balitaktakan at pagkatapos ay magtatawanan tayo. Hanggang sa lumamig ang ating kape, nagligamgam ang ating serbesa at naupos na rin ang ating sigarilyo. Datapwat kung iisipin nabusog naman ang ating mga sarili at ito ay unti-unting naging ating pinakamapaghanap na bisyo, ang ating pinakamatipid na bisyo. Isa na marahil ang mga alaalang yun sa naging dahilan kung papaano kita lubos na nakilala, paano tayo nagsimula at papaano tayo nagpatuloy sa kabila ng lahat ng mga nakatagpong pagsubok. *** Sa pagdaan ng mga sandali, nagpatuloy tayong mag-isip, kumilos at dumama ng magkahati. Kungsaan masasabi ko sa isang banda, nabuo ang aking pagkataong malaon ko ng hinahanap. Natandaan ko minsan, matapos ang isang mahabang diskurso tungkol sa pelikulang Y Tu Mama Tambien na pinanuod natin, bigla mo akong tinanong: ng maliban sa iyo, ilan na ang nagiging karelasyon ko? Walang kaabog-abog at malisya kung sinabi sa iyo'ng, ikaw lang. Natahimik ka ng ilang sandali, datapwat hindi ko napansin ang pananahimik mo. Hanggang sinabi mo sa akin na, malayo-layo pa ang aking lalakbayin at marami pa ako'ng makakatagpo na tatambon sa kung sino man ako ngayon at kung sino ka para sa akin. Napalingon ako bigla sa iyo dahil sa mga salitang narinig ko. Nakita ko sa iyong mukha, sa unang pagkakataon ang takot at lungkot na ngayon ko lang nakita. Animo'y ang lahat ng tapang at kasiguraduhan na nakilala ko sa iyo ay dagliang nilamon ng kawalang katiyakan. Agad ko'ng inabot ang kamay mo upang isalba ang nauupos na tiwala. Tumingin ka sa aking mga mata at bumulong, "ang kung ano man ang meron tayo ngayon ay hindi nangangako ng katiyakan dahil ito ang buhay. Mas madalas nadadaig ng pagnanasa ang pinakainosenteng emosyong nararamdaman. Kung dumating man ang sandaling yun sa iyo, huwag mo'ng hahayaang matali ka ng mga alaala at pangako dahil inebitable ang pagbabago. Ang panahon at mundo ay hindi kailanman maghihintay sa iyo, sa akin o sa ating dalawa. Natahimik ako. Nablanko muli ang aking isipan matapos ang mahaba-habang panahon. Walang salita ang lumabas sa aking bibig at tanging mainit na hinga ang nararamdaman ko. Hindi ko nagawang mangako bagkus marahan ko'ng hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay mo. Nangungusap sa aking isipan na, nawa'y kahit papaano ay maramdaman mo pa rin ako, ano man ang mangyari sa ating dalawa, sa pamamagitan ng pag abot ng kamay ko. Ito'y walang pangakong linalakip, ni sumpang ibinubulong tanging isang hiling na sana maging panatag ang lahat sa pagdampi ng mga palad ko sa iyo. Natapos ang gabi ng magkahawak ang ating mga kamay at sa aking panaginip naglalayag tayong dalawa sa habas ng panahon.
Dumaan ang mga oras, araw, linngo, buwan at mga taon. Nagpatuloy tayo hanggang sa dumating sa yugtong nasalisihan na natin ang mga nangyari noong gabing yun. Lahat sa atin ay maayos na nagpatuloy bagamat hindi laging may ngiti, subalit matagumpay namang nailuwal.
***
Minsan nagpasama sa akin ang isa sa mga matalik ko'ng kaibigan sa isang party. Kahit ang totoo ay ayokong talagang lumabas, ayoko rin kasing isipin mo na nagbago na ako, kaya't sumama na rin ako. Usual na lang ang umalis sa bahay ng hindi hinihingi ang permiso ng bawat isa. Dahil kung tutuusin, wala naman talagang rason kung bakit kailangan pa nating gawin yun. Nag iwan lang ako ng note sa mesa na lumabas ako, kung sakaling dumating ka na wala ako para lang alam mo.
***
Posted at 02:16 pm by pulangchico
Permalink
Sunday, March 11, 2007
*expecting for more pimples to come
The mere planning for the coming final examination together with my schedule for work is no easy thing to juggle. Nonetheless, i still have that optimistic side of me looking always at the brighter side and it has been a year now since i am doing this kind of lifestyle. hopefully, i'll be able to make it or atleast finish my first year in law school.
Actually, as of the moment, i am still at the verge of thinking whether or not I would still continue it while working or file a leave and work first. Although I know my parents could actually send me to school. the guilt of already being a graduate for an undergraduate degree is burdening me. I am on the mindset that my parents' responsibilities for me has already expired upon graduating and I may say they did it well. Anything beyond that, it will be my burden to shoulder on.
Lawschool, as I always say to my peers, is either something to be like or uninterest about. But at present, i may say that I am still trying to cope up with it. It is a very demanding career, beyond words if I may say so. Thus, so is my work. Question is, until when? It's a process, I may say. It is something that could not happen overnight like most things are. Though I keep myself on focus for that thin line that separates process as a reason and process as an excuse. The latter being the most used reason for an excuse. Not an excuse for a reason.
But thinking about it, Lawschool is not actually that hard. What is harder is the expectation people around, imposed to you. Expectations coming from your family, relatives, friends or just even people who you have been acquianted with and knew that your taking up law. Expectations that are either directly or indirectly expressed could probably the heaviset baggage one can burden. Probably that is why most people fail and opt out to other profession. But I understand them. It is not merely a simply baggage that you could unpack in an instant. It is slow pause in which forever is just a tick of another's second. It is like an unending war of the mind, will and conscience. Where the goal is humility and acceptance of being human. The fact that everyone should consider that in some point we are vulnerable, defenseless at some point also weak. The realization that separates us from being perfect, or what is commonly known as human.
Although other may say that others did survive how come some can't. Basically because we are all different. Different in strenghts and weaknesses that are anchored and encompassed by different opportunities and environment. Probably taking up law like most of the other professions humanity have and will have is a matter of calling. Calling that comes from the whispers of one's self and not the clamour of what is outside.
Nonetheless, as of teh moment, I'll be needing to move my ears much closer to my self.
Posted at 01:15 pm by pulangchico
Permalink
Saturday, March 10, 2007
sorry...
entries that weren't posted for time-only-knows eons
sorry...
excuse my pathethic lay out as well. i am still trying to find time to fix it.
but as of now, just bare with me
Posted at 04:40 pm by pulangchico
Permalink
ganyang mga ngiti, laging ganyang mga ngiti ang iyong binubungad kapag tayo ay nagkikita. linalasap kahit nakakapuwing. kahit krus ay tutuwad sa iyo.
walang pagbabago. nagbabago ang paligid, nagbabago ang mga detalye subalit hindi ang iyong ngiti. hindi ang iyong mga labi.
ang hulma ng iyong labi at kung papaano sinaayos ng iyong mga ngipin ang mga sarili nila upang buuin ang kaakit akit na obra. makamandag na obra.
nakakahalina.
minsan, tulad ng clicheic, paulit ulit,walang kamantayan, nasa mata raw madudungaw ang pagkatao ng isang nilalang.
kaya pala, naiiba ka. wala sa iyong mga mata ang kasagutan.
kinubli ng iyong mga ngiti ang tore ng pagadadalamhati. binalot sa magandang palamuti. duon lahat kami ay tumatangis. nakakagutom ang pagfantasya.
kung maari lang makatalik ang mga ngiti marahil puta ka na ngayon. at isa rin ako sa mga milyon-milyong mo'g parokyanong, nakikisawsaw sa iyo.
subalit sa bandang huli, kapag tapos na ang lahat. matatauhang ika'y hindi pa rin akin. kundi ikaw ay para sa lahat na tulad namin.
hihintayin ang momentong, ika'y mapapagod sa pagbuka ng iyong labi. at ako naman ang kukuha ng malamyong hulma upang masalsal mo ang mga luhang pinagkait sa iyo.
maghihintay sa sandaling inaasam-asam. sa dating tagpuan, sa m(h)uling pagkakataong makikita ang mga pagganap mo.
Posted at 04:39 pm by pulangchico
Permalink
yes, indeed i do have a major problem of articulating things.although it is a persisting issue I never tend to give it much attention, just until now. so this entry would be a challenge and here it goes!
yesterday, 6 in the morning, when everyone of my age is still digging up their roots to their beds, i went straight to the office and ahead of my typical waking time (which is 4 in the morning, by the way. beat that!hehehe) to render rest day overtime. again, out of good luck, it is still unavailable. eventhough the wang wangs are still turning their red lights sporatecally on. these usually indicates that mandatory overtime is still ongoing.
without anything else reserve to do. i tried exhausting myself thinking of doing what to do. i even thought of paying friends outside Manila a visit. visualing going to Bulacan with a big sign "THANK YOU! You are now leaving the National Capital Region! please come again."
and then "WELCOME to BULACAN, CAVITE or RIZAL" perhaps. since they are still in semestral break. now, i just missed being a fulltime student. crap!
anyway back to the story. i gave det a call. asking her where she is? suprisingly, the not-so-ever available swift fawn is at work and in the same building; and actually invited me for breakfast. i repeat, inviting me for breakfast which is so unusual of her at present. so we went to DISH, since pantejo is still closed and det is quite savy of not going to the nearby carenderi(AH!) (where all the taxi and jeepny as well as ABSCBN stars(?) eat) i suggested. oh yes, its sosyal! if you're not nagpapaka-sosyal!
luckily, Hannalili penguin-style Callora is also there with her yellow pages team(hehehe, just kidding hanna!). think of slowly moving penguin and walrus in a chase , isn't that exciting? RUN mr.penguin RUN!
we immediately dive into our intellectual batony! talking about politics, our depressing situation here in Manila, Beautiful Thing; the film she borrowed from me (making her cry. instead of making her giggle---weird!), and our lovelives(???huh???). during the conversation, when she is telling stories of plans and her romantic tales. she fantasize a moment where she would invite this person to a dance. no music. just graceful movement of both of them dancing and embracing while everybody is actually staring at them. and that would be her farewell dance, for her to be able to move on: i titled the scene, Brave Dancing. based from this song i've heard, a year ago. although i forgot the singer.
and then, up in the sky a big asteroid fell on my head!making me realized that for the first time ever, my mind was just clear and empty BLANK! totally blank. nah...nada..wizz!awan, nothing, ala, WALA, empty and null...
there is not a single thing i could share. not a single word i could utter. not even a person that i could visualize in every romantic tale she is telling. all i could do is smile and pretend i could relate. now, i was troubled. i sighed(---a clear indication of frustrations and desperations!). searching for a life i used to have. then, i found nothing. it is just me thinking of thinking of something.
i tried asking myself, What happened?
...
i can't even answer this two-word question. am i not developing? am i living a stagnant life, then? there are too many depressing questions running on my head that time. why can't i think of something to share with to det? or to rich perhaps the other day?where we just took a mochacinno chiller in SM north edsa, bought some fabrics (for my project!) and went to watch WORLD TRADE CENTER.
my most-feared-in-life-thing happened. living a routinely, mechanic and stagnant life! waking up in the morning, going to work, answer calls, go to school, recite, read books and cases, sleep(optional), take a bath(optional too, just kidding. you could not do that here in Manila. it is not actually 'hippie and cool' compare to Baguio! it would be your tremendous lost, believe me!) and then go to work again. running around the same circle.
moreover, that even i try to go to different places, meet different people and do things i long-dream of doing. there is always a space to be filled in. a gap that needs to be answered. this line is actually cliche, i know. but the thing is, it is occuring to everyone that is why it is being tagged as cliche. and anyone who tends to take the other way, is 'being' pathetic. hehehe.
from this, a greater challenge awaits and that is to make more challenges.
well wish me luck. crossing my fingers and fingertoes as i usually say it on the floor. just scared of the idea of the possible things i could do extending myself to my limits...hmmm.
*excited*
hehehe
Posted at 04:38 pm by pulangchico
Permalink
TABAK: may karelasyon na ako
minsan may nagsabi, inevitable daw ang pagbabago. Totoo naman, sabi ko. Lahat ng tao at bagay kailangan magbago, para sa ikakabuti o ikakasama man nito. May ibang tao gusto ng pagbabago, applicable yun kadalasan para sa mga hindi kontento. habang ang ilan naman masaya na sa kung ano'ng meron sila. good for them!, yun na lang ang masasabi ko. pero mas madalas mas marami ang gusto ng pagbabago. ang nakakapagtaka lang, lahat gusto pero kadalasan gusto lang. hindi naman nakakapagtaka. madalas, nakakasawa na ang routine na ginagawa mo. pare-parehong mukha ang nakikita, pare-parehong lugar ang pinupuntahan at pare-parehong aktibidad ang ginagawa. minsan kasi kahit gustong-gusto at mahal mo ang isang bagay na ginagawa mo, dadarating ka parin sa yugto ng pagkagasgas.
gasgas used as an adjective. ibig sabihin pagiging stagnated sa mga bagay na ginagawa mo. synonymous sa mga salitang: pagkabansot, unproductive, paulit ulit, cyclical at walang katapusan subalit hindi ka naman umuunlad.
inaamin ko, ito madalas ang nararamdaman ko noong nasa Baguio pa ako. sa academics at/o sa organisasyon man. may mga panahon na bigla ka na lang mag iimpake ng gamit at bababa ng Maynila ng wala sa plano. Doon, maglalakad ka lang, kakakain, magmumuni-muni at kukuha ng isang malalim na buntong hininga. yung tipong gusto mo lang ng ibang hangin na malalanghap kahit gaano pa man kadumi ito.
Pagkatapos aakyat ka na ulit ng Baguio. sa anim na oras na ruta ng bus paakyat. doon mo maiisip ang mga bagay pagkatapos ng nalalapit mo'ng pagtatapos ng kolehiyo. Kung ano'ng career path ang tatahakin mo; saan ka magtratrabaho; sino ang makakasama mo sa bahay; ano kaya'ng oportunidad kaya ang naghihintay sa iyo; bagong love life at sexlife kaya at napakarami pa. ang sarap kasi namang isipin ang sarili mo sa isang bagong lente ng kamera na ikaw naman talaga ang kumukuha; sa bagong setting kumbaga. kungsaan hindi mo maiiwasan ang pagiging idealistiko sa pag imagine dito.
humigit-kumulang walong buwan na ang nakakaraan mula noon. Ngayon, nag-aaral at nagtratrabaho ako ng sabay parehong fulltime. parang walang panahon. kumikita ng higit pa sa allowance ko noong college. umuupa ng isang kwartong, 3 beses ang laki sa kwarto ko sa Baguio. nakakabili na rin ako ng mga bagay na gusto ko'ng bilhin. walang kasama sa bahay at matiwasay pa rin namang nai-jujuggle ang schedule. Pagdating sa lovelife, walang pa rin namang pagbabago, buti na lang.
ngayon papunta ako ng opisina pero naisip ko muna dumaan ng shop para magcheck ng ilang emails na hindi pwede buksan doon dahil naka-websense.
tapos doon ko nakita ang mga larawan ng mga kaibigan at bagong mga utaws. lahat masaya kahit alam naman ng lahat na sila ay pagod na pagod na. Doon ko narealize, sobrang namiss ko sila. Namiss ko ang mga dating ginagawa ko, namimiss ko ang dating mga sentimiento ko at higit sa lahat namimiss ko lang ang sandaling kasama ko sila, pagod pero masaya. yun ang pinakacherished moments ika nga ni pareng Kodak!
at bukas, anibersaryo ng TaBak, ang tanging anibersaryo mula ng pumasok ako dito na hindi ko madadaluhan. ang tanging enero 30 na hindi ako matataranta kung ano ang susuutin ko, hindi aabangan ng mga tao ang outfit ko, at higit sa lahat ang tanging anibersaryong hindi ko sila makakasama. doon ko narealize ang mga sandaling 'gasgas' ako pero naging masaya ako. Ito ay hindi pagkagasgas ng mga bagay na ginagawa mo kundi pagkagasgas sa mga bagay na gusto mo'ng ginagawa pero masaya ka. at yuon ang gusto ko'ng balikan sa kasalukuyan, kung pwede nga lang. pwede naman.
pagbabago....haaay!
maligayang Ika-22 anibersaryo Tanghalang Bayan ng Kabataan sa Baguio, mahal ko kayo.
paumanhin subalit hindi ako makakadalo...

Posted at 04:20 pm by pulangchico
Permalink
Tuesday, November 14, 2006
while waiting for my shift to end and still no single call after i took my lunch. i decided to play with the programs that are not blocked by the company. so happened that one is MS excel. so excuse the aesthetics on this one. okay?
presenting my schedule...so just in case, you're going to set an appointment to me. refer to this schedule first. hehehe.
do you love the color? well my blog is quite boring as of the moment. just wait until i do have the time organizing it. beware!

Posted at 04:31 pm by pulangchico
Permalink
Thursday, November 09, 2006
kahit hindi ako naniniwala sa mga ganito at sa palagay ko mga Amerikano lang ang target audience ng mga ito.
it actually made to stop and realized my life.

pero joining spiritual group. nah... it think that is so amerikano!
Posted at 04:26 pm by pulangchico
Permalink
Wednesday, November 08, 2006
Posted at 08:23 pm by pulangchico
Permalink
|
 |
|
|
 |
 |
hindi mabibilang ng mga gunita, alaala,
diwa, pagnanasa, likha, dalamhati,
libog at tuwa ang mga lihim na tinatago ng mga salita
|
 |
|
|