Entry: TABAK: may karelasyon na ako Saturday, March 10, 2007



TABAK: may karelasyon na ako...

minsan may nagsabi, inevitable daw ang pagbabago. Totoo naman, sabi ko. Lahat ng tao at bagay kailangan magbago, para sa ikakabuti o ikakasama man nito. May ibang tao gusto ng pagbabago, applicable yun kadalasan para sa mga hindi kontento. habang ang ilan naman masaya na sa kung ano'ng meron sila. good for them!, yun na lang ang masasabi ko. pero mas madalas mas marami ang gusto ng pagbabago. ang nakakapagtaka lang, lahat gusto pero kadalasan gusto lang. hindi naman nakakapagtaka. madalas, nakakasawa na ang routine na ginagawa mo. pare-parehong mukha ang nakikita, pare-parehong lugar ang pinupuntahan at pare-parehong aktibidad ang ginagawa. minsan kasi kahit gustong-gusto at mahal mo ang isang bagay na ginagawa mo, dadarating ka parin sa yugto ng pagkagasgas.

gasgas used as an adjective. ibig sabihin pagiging stagnated sa mga bagay na ginagawa mo. synonymous sa mga salitang: pagkabansot, unproductive, paulit ulit, cyclical at walang katapusan subalit hindi ka naman umuunlad.

inaamin ko, ito madalas ang nararamdaman ko noong nasa Baguio pa ako. sa academics at/o sa organisasyon man. may mga panahon na bigla ka na lang mag iimpake ng gamit at bababa ng Maynila ng wala sa plano. Doon, maglalakad ka lang, kakakain, magmumuni-muni at kukuha ng isang malalim na buntong hininga. yung tipong gusto mo lang ng ibang hangin na malalanghap kahit gaano pa man kadumi ito.

Pagkatapos aakyat ka na ulit ng Baguio. sa anim na oras na ruta ng bus paakyat. doon mo maiisip ang mga bagay pagkatapos ng nalalapit mo'ng pagtatapos ng kolehiyo. Kung ano'ng career path ang tatahakin mo; saan ka magtratrabaho; sino ang makakasama mo sa bahay; ano kaya'ng oportunidad kaya ang naghihintay sa iyo; bagong love life at sexlife kaya at napakarami pa. ang sarap kasi namang isipin ang sarili mo sa isang bagong lente ng kamera na ikaw naman talaga ang kumukuha; sa bagong setting kumbaga. kungsaan hindi mo maiiwasan ang pagiging idealistiko sa pag imagine dito.

humigit-kumulang walong buwan na ang nakakaraan mula noon. Ngayon, nag-aaral at nagtratrabaho ako ng sabay parehong fulltime. parang walang panahon. kumikita ng higit pa sa allowance ko noong college. umuupa ng isang kwartong, 3 beses ang laki sa kwarto ko sa Baguio. nakakabili na rin ako ng mga bagay na gusto ko'ng bilhin. walang kasama sa bahay at matiwasay pa rin namang nai-jujuggle ang schedule. Pagdating sa lovelife, walang pa rin namang pagbabago, buti na lang.

ngayon papunta ako ng opisina pero naisip ko muna dumaan ng shop para magcheck ng ilang emails na hindi pwede buksan doon dahil naka-websense.

tapos doon ko nakita ang mga larawan ng mga kaibigan at bagong mga utaws. lahat masaya kahit alam naman ng lahat na sila ay pagod na pagod na. Doon ko narealize, sobrang namiss ko sila. Namiss ko ang mga dating ginagawa ko, namimiss ko ang dating mga sentimiento ko at higit sa lahat namimiss ko lang ang sandaling kasama ko sila, pagod pero masaya. yun ang pinakacherished moments ika nga ni pareng Kodak!

at bukas, anibersaryo ng TaBak, ang tanging anibersaryo mula ng pumasok ako dito na hindi ko madadaluhan. ang tanging enero 30 na hindi ako matataranta kung ano ang susuutin ko, hindi aabangan ng mga tao ang outfit ko, at higit sa lahat ang tanging anibersaryong hindi ko sila makakasama. doon ko narealize ang mga sandaling 'gasgas' ako pero naging masaya ako. Ito ay hindi pagkagasgas ng mga bagay na ginagawa mo kundi pagkagasgas sa mga bagay na gusto mo'ng ginagawa pero masaya ka. at yuon ang gusto ko'ng balikan sa kasalukuyan, kung pwede nga lang. pwede naman.

pagbabago....haaay!

maligayang Ika-22 anibersaryo Tanghalang Bayan ng Kabataan sa Baguio, mahal ko kayo.

paumanhin subalit hindi ako makakadalo...

 

 

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments